Saturday, September 17, 2005

America's Next ...


Okay, napapadalas ang post ko. Medyo marami kasing nangyayari lately at nag-request kasi ako ng days-off from work para sa mga bagay-bagay. Sinundo ko si Zyra kaninang umaga para mapasyal naman sya at ako. Gusto ko kasing ma-explore yung LA at malungkot naman kung mag-isa lang kaya niyaya ko siya.



First on our itenerary: The Grove in LA.
Narinig ko kasi sa radio na may autograph signing ang ibang past contestants sa America's Next Top Model doon so, dun kami unang pumunta. Akala ko late na kami kasi medyo tinanghali na ako sa pagsundo kay Zy, tinatamad kasi ako nung umaga. Buti na lang hindi at umabot kami! May mga giveaway na Chapstick at tank top na may label na America's Next Top Model. Actually, wala akong kilala sa mga models na nandoon. Hindi naman kasi ako nanonood ng show na yun. Ang medyo kilala ko lang na nasa autograph signing ay sina Tocarra, Eva at Shandi. Sila lang kasi ang mga memorable contestants para sa kin. Maganda si Shannon at si Shandi. Naalala ko tuloy yung nangyari kay Shandi at yung bf nya. Nakakatawa kasi yun para sa kin kahit na hindi. (sama ko ba?) Kaya ko naisipan pumunta sa event na'to kasi naalala ko na nanonood si Dyan ng show na'to! Hehehehe!!! Hi Dyan! Gusto mo yung tank top? padala ko sa'yo. Di ko naman yun susuotin eh!



Second stop: Hollywood and Highland
Kaya naman kami pumunta dito kasi nandito ang Hollywood Walk of Fame at ang sikat na Grauman's Chinese Theater na kung saan makikita ang hand & foot prints ng mga ibang artista. Wala naman talaga akong interes sa Hollywod Walk of Fame, ang gusto ko lang makita ay yung hand & foot prints nila sa theater. At saka, ang daming weirdo sa Hollywood Walk of Fame!!! Yung mga tao na naka-costume na tatanungin ka kung gusto mong magpa-picture kasama sila tapos babayaran mo sila. You can see everyone from Spongebob to Spider-man! Nakita rin namin ni Zy yung Hollywood sign. Pagkatapos sa theater ay pumunta kami sa Hollywood Wax Museum at sa Guinness Book of World Records Theater.

More pics:
http://photobucket.com/albums/a361/sab_rb/

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?