Friday, September 02, 2005
guilty pleasure
(first tagalog post)
Dumating na rin sa wakas yung DVD ng The OC Season 2 na in-order ko sa Amazon. Nakahihiya man aminin pero nanonood ako ng The OC. Sa totoo lang, pag may nagtatanong sa kin kung alam ko ang nangyayari sa show na yun, sinasabi ko na hindi ko alam. Totoo naman na hindi ko kaagad alam ang mga nangyayari kasi tuwing pinapalabas yun (Thursdays @ 9:00) lagi akong may trabaho. Pero nagbabasa naman ako ng mga recaps online tungkol sa show, so alam ko rin ang mga nagyayari kahit papaano.
Hindi ko maintindihan kung bakit ba ako masyadong naaaliw sa palabas na ito. Sobra syang nakaka-irita dahil yung mga characters ay mga spoiled rich brats na hindi makuntento sa mga buhay nila, sobrang di kapani-paniwala na mga pangyayari (maniniwala ka ba na 17 years old lang silang lahat sa show! as if?!) at sobra silang ma-drama. Pero sa palagay ko, kaya ko gusto ang show na ito kasi yung friendships nila. Hindi naman ibig sabihin na ganun ang mga kaibigan ko. Naiingit lang ako sa kanila kasi wala akong mga kaibigan dito na masasabi ko na ka-close ko tulad ng mga bida sa palabas na 'to. In short, nami-miss ko na ang mga kaibigan ko sa Pilipinas.
Kahit na magta-tatlong taon na ako dito sa America, wala pa rin akong nahahanap na tao na masasabi ko na "close friend." Siguro wala talagang papalit sa mga kaibigan ko (yes, Avo peeps...) o mataas lang ang standards ko. Mahirap kasi maghanap ng mga katangian na meron ang Avo. Malungkot minsan kasi feeling ko mag-isa lang ako kahit na sobrang dami ng tao sa paligid ko (lalo na sa school) pero medyo nasasanay na rin. May mga nakakausap naman ako pero hanggang dun lang. Hanggang acquaintances lang kaya di ako gaanong excited pag pumapasok sa school. There are no people I could hang-out with.
While I am writing this entry, I am watching The OC and thinking how lonely I am right now. How sad is that?! Every night when I come home from work I feel kinda empty. I guees I'll get used to it or I just need some time to adjust (again) and find some new friends, but it's complicated...
And it's hard to be a full-time student and work at the same time.
Comments:
<< Home
awww.. sab... grabe..namiss tuloi kita lalo. kahit na hobby mong asarin ako dito sa pinas! :P
oi sabon! wala akong mahanap na OC dito. kahit season 1. puro sex in the city lang nasa video shops. kainis!
d bale... magroroad trip tau puntang OC! soon! yihee!
oi sabon! wala akong mahanap na OC dito. kahit season 1. puro sex in the city lang nasa video shops. kainis!
d bale... magroroad trip tau puntang OC! soon! yihee!
si maki to. hindi ko mahahanap tong blog mo kung di ko pa sinearch sa google. ngayon ko lang nalaman na may konsepto ka pala ng friends at may emosyon ka pala. pero sa tingin ko lasing ka lang o nakadrugs baga. bakit naman kasi ikaw pa ang napunta diyan sa tate e ako ang may american dream at saka ako ang may ayaw sa mga tao. lalo na ngayon na sobrang fucked up ako sa bahay at iskwelahan na gusto kong itapon yung mga kaklase ko sa bintana. eniweiz, yung sa psych counselling seminar na pinuntahan ko dati sabi na "ang totoong kaligayahan nasa loob yan" (in english lang nga). kapag nahanap mo na daw yung inner joy mo ay susunod na rin ang mga frendz kasi makikita nilang masaya kang kasama. ang galing di ba?! parang nagmamanipulate ka ng mga tao. anyway, wala naman akong pakialam kung may frendz o wala basta may pera masaya (yan ang turo sa akin ng "mahal" kong pamilya). may "the oc" dito sa pinas. minsan lang ako nakapanood kasi wala naman gaanong sex and violence. kapag nanood ako ng mga tv shows ko sa gabi naalala ko yung mga komprehensibong analysis mo sa mga shows na ginagawa mo dati. wag ka ng malungkot diyan, sab. prozac lang katapat niyan. atsaka andiyan naman si zyra. musta yung programming mo?
Mahirap makahanap ng taong makakasundo. Mahirap makahanap ng kaibigan. At pinakamahirap maghanap ng taong tunay na mapagkakatiwalaan.
At hindi ka lang siguro makakatagpo ng tunay na kaibigan, baka soulmate na rin...someday. XD
Kung mabilis-bilis at madali-dali lang ang proseso ng pagkuha ng visa...Hehehehehe. Sana nga balang araw.
Post a Comment
At hindi ka lang siguro makakatagpo ng tunay na kaibigan, baka soulmate na rin...someday. XD
Kung mabilis-bilis at madali-dali lang ang proseso ng pagkuha ng visa...Hehehehehe. Sana nga balang araw.
<< Home

