Monday, March 06, 2006

Pasensya

Sorry kung walang update... Malapit na ang Spring Break so siguradong magkakaroon ako ng free time para magsulat sa blog na 'to. In approximately 5 days...

Okay, dadagdagan ko tong entry na 'to para naman may kwenta...

Nagkasakit nga pala ako nung nakaraang 3 araw (Fri-Sun). Akala ko magaling na ako nung Sunday kaya pumasok ako sa trabaho tapos bigla na lang ako nilamig at nanginig so nagmakaawa akong umuwi. Buti naman at pumayag sila so nagdrive ako pauwi sa freeway habang nanginginig! Swerte at hindi ako nabunggo! Hahahaha!!! Hirap talaga pag nagsasarili ka at may sakit!! Kinulit tuloy ako ng nanay ko para magpa-check-up so napilitan pa akong hanapin yung Health Center sa campus. At least ngayon alam ko na next time na magkakasakit ako! Hehehehe!!!



I just bought and watched the DVD of Rent last weekend nung may sakit ako. La lang, napagtripan ko lang kasi nakakaaliw yung kanta. Basta nakatatak na sa isip ko na there are 525,600 minutes in one year (hindi leap). Okay lang yung movie. Di lang talaga ako sanay na pakanta ang dialogue.

Buti naman at malapit na ang Spring Break pero ang daming kelangang gawin pagbalik. So gagawin ko rin yung mga yun during Spring Break! Kaasar! May 2 papers na due at pagbalik puro exams. Haaayyyy...



Basta, sana mag enjoy ako sa Spring Break na to! Maghahanap ako ng mga lasing na babae!! Sabi nga ng kasama ko sa trabaho, maraming "drunk blonde chicks" during Spring Break, so masaya!! Pupunta nga pala ako ng Las Vegas during the break so sana totoo nga yung sinabi nya (fingers crossed). Harharhar!! What happens in Vegas, Stays in Vegas!

Comments:
SAB BAT KA NAGHAHANAP NG LASING NA BABAE? HA?
 
wala lang! hahahaha!!!
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?