Friday, March 31, 2006

Vegas et al...

I have never written so much papers (reaction & research) in my entire life until this sem!! Sobrang matrabaho ang GE ko at Writing!! 'Lang ya! Break muna...


papuntang Strip

Anyway, tungkol naman sa Spring Break ko sa Vegas, okay naman sya. Boring... Wala ako gaanong nakitang mga lasing na babae. Maaga kasi ng 1 week ang break namin compared to other schools kaya onti ang kasabayan namin. Puro matatanda ang mga nakita ko, mga matatanda na sugarol. Nagsawa rin ako sa mga slots! Anywhere you look, puro slot machines!! Kulang na lang pati restroom may slot machine! Nag-try ako sa slot machine at syempre, talo!! hahaha!!!


Sayang! Di ko napanalunan 'tong Viper!

Pagkatapos ng Spring Break, sobrang busy sa school kasi naipon ang requirements. Tapos yung midterm ko pa sa Math, aahh ewan! Babawi na lang ako sa Finals! Di ko pa rin tapos ang research paper ko para sa American Studies (GE ko). Tapos may paper na naman para sa Writing. After that, final portfolio naman. Haaaayyy... Siguro pag pinagsama-sama ko ang mga papers ngayong sem na 'to, pwede na syang maging booklet! Wala pa naman akong hilig sa writing!

Nung Wednesday nga pala nag-shoot sa school ang "The O.C." Akala ko kung ano yung shooting nun nung pumasok ako. Akala ko isang B-rate movie/tv show lang sya. Sabi ko na nga ba "The O.C." yun eh kasi may nakita akong mga orientation tables pero Brown University. Eh wala namang school recruitment nun so naisip ko yung show na yun kasi dun gusto mag-college ni Seth. Too bad that I didn't stick around to see anyone famous. Nabasa ko lang sa school paper na "The O.C." nga yun. Oh well... there's still next time.

Maki, ang ganda ng latest episode ng Will & Grace, guest star si Britney Spears. Tapos si Karen sobrang nakakatawa. Kasi tinanong sya ng surrogate nya kung nasan si Stan (oo, buhay si Stan!! Nagkunwari lang sya na patay para makatakas sa kaso nya at gusto ni Karen magkaroon ng baby sa ep na 'to). Eto yung dialogue (ni-record ko yung ep kasi may trabaho ako):

Cricket(surrogate): So how come I haven't seen this husband of yours?
Karen: He's on a business trip in the Philippines. I love Filipinos. They're Asians but not cocky about it.


Gets mo? Sobrang nakakatawa yung delivery nya ng line na 'to!

Daylight Savings Time na naman ngayong weekend. Mababawasan ako ng isang oras ng tulog. Kaasar!

Advance Happy April Fools!!

Comments:
yung natatawa ako sa isang episode ng w&g. pinaguusapan nila yung title dapat ng grace adler design ay adler-walker designs.

karen: don't put your name besides mine. it makes mine sound jewish

grace: and yours make mine sound drunk

karen: wow... right in the nuts!
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?