Monday, May 29, 2006

I got Seoul but I'm not a soldier!

Welcome back to myself to the beautiful Philippine islands! Beautiful nga ba? Yung ibang parts, oo. Isa lang ang masasabi ko, ang init!!!! Iba talaga ang init dito sa Pinas. Kakaiba! Hahahaha!!! Ang dalas ko na tuloy maligo.

- sa LAX

Ang haba ng aking biyahe. 32 hours sya kasi meron akong 2 stopovers tapos kasama sa stopvers na yun ay 12 hour na layover sa Seoul, South Korea. Buti hindi sa North! Hahaha!!! Korean Air kasi ang pinili kong flight para maiba naman at para makapunta ako ng Japan at South Korea.

Mababait ang mga flight attendants ng Korean Air. At mga bata pa sila at magaganda at laging mga naka-smile. Di tulad ng mga nasakyan kong ibang airlines. Dapat talaga may rule na kapag lampas na sila sa certain age ay dapat mag-retire na sila. Ehem, ehem, Hawaiian Air! Hahaha!!! Sa PAL okay lang pero dapat mas friendly sila and with a smile. Ang galing din ng mga flight attendants ng Korean Air kasi marunong sila ng Korean, Japanese at English.

- view from my window of Tokyo and Narita Airport

Muntik pa ako maligaw sa connecting flight ko sa Japan. Nakisunod na lang ako sa isang group na may connecting flight din to Seoul. Nag-travel pala ako bale ng halos isa't kalahating araw- 11 hours from LA to Japan, layover in Japan for 2 hours. 3 1/2 hours from Japan to South Korea, layover in Korea for 12 hours(!!!), 4 hours from Korea to Japan. Di tuloy ako gaanong nakatulog kahit na may 12 hours ako sa Seoul.

Pero nabusog naman ako sa buong flight. Nakakabusog yung mga food sa Korean Air. Kahit dun sa flight from Japan to South Korea na 3 hours lang eh meron talagang dinner! Kung sa ibang airlines yan ay drinks lang yun, minsan pa ay wala!

- sunset on the way to Seoul
- Incheon Int'l Airport (people were watching the soccer game of the Korean team)

Nakakatuwa sa Incheon Airport, dahil sa sobrang bored ko ay nilibot ko yung airport nila. And dami nilang duty free stores. Tapos sa restrooms nila ay di mo na kailangang maglagay ng toilet seat cover kasi automatic na'to magpapalit, basta i-press mo lang yung button. Tapos meron ding courtesy bell so kapag nauutot ka, i-press mo lang yun at gagawa sya ng noise para hindi marinig yung ginagawa mo. Pero di ba obvious na yun na may ginagawa ka kaya mo nga yun ginamit?

Lagi akong window seat pag sumasakay sa eroplano para kita ko yung views. Kahit na mahirap pumunta sa restroom kasi harang yung katabi ko okay lang. Dun nga sa 11 hour flight ko ilang beses kong hinakbangan yung katabi kong babae kasi tulog sya eh. buti di nya naramdaman nung nasipa ko sya! Hehehe!!!

- hanapin ang Iglesia ni Kristo
- SM ang unang sasalubong syo
- di ko alam kung anong lugar to, basta malapit sa NAIA

- see what I'm talking about?
Nung pababa na yung planes sa Japan at South Korea, ang makikita mo ay mga greens at clear yung sky. Sa Pinas naman habang bumababa yung plane ay dumidilim yung langit dahil sa kapal ng pollution tapos ang daming mga bahay. Nag-iisa talaga ang Pinas!

Comments: Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?