Thursday, July 13, 2006

pics and construction

Dahil ni-request ni Tops, eto na yung pics sa Punchline at sa Somethin' Fishy. Nag-open pa ako ng multiply account para mas madali. Hehehe!!! Sya ay matatagpuan sa http://srbd.multiply.com/

Medyo tapos na nga pala yung bathroom sa apartment ko kaya nakabalik na ako. Although hindi pa sya totally finished, pwede na syang gamitin. Eto yung pics nya during construction.


Kamusta na nga pala si Zy? Post pa kayo ng ibang pics!

Boring ang buhay ko sa ngayon. Puro work. Pero okay lang dahil kelangan ko ng pera! School will start in 6 1/2 weeks!!! Ang init nga pala dito pero hindi katulad sa Pinas. Dito naman may hangin na dumadaan. Sa Pinas kasi napapansin ko, hindi gumagalaw ang mga dahon! Kahit na sumisipol ako, wala! Iba talaga ang Pinas!! Kelan kaya ako makakabalik??

P.S. Di pa pala tapos yung Ms. Universe pageant. Kasi usually May sya ginaganap pero ngayong year na 'to, sa katapusan pa ng buwan. At dito pa sya gaganapin sa Los Angeles, sa tapat pa ng school namin- sa Shrine Auditorium. Bumili nga ako ng tickets para sa dress rehearsal eh! Hahaha!!! Marami kayang magaganda? Sana! para di sayang yung pera ko!

Comments:
haha, di ko napansin ang new post mo. si tops kasi unang pinupuntahan ko dahil may "blog rolling" thing s'ya at una ko napansin ang pics.

anyway, bakla ka talaga! ^_^ picture-an mo si miss philippines!
 
Gumagamit ka pa ba ng tabo? Bwehehehe. Padadalhan kita. :P
 
sabi ni ms. philippines sa interview niya dito sa pinas malakas ang pakiramdam niya na siya na ang susunod na ms. universe. yan ang tinatawag na attitude. ^_^
 
aba naman yang ms. phils. ah! matignan nga kung may ibubuga sya. ang tawag dun ay confindence! hahaha!!! o kakapalan? di ko alam eh.
 
aba na-snob ang tanong ni lori! ibig sabihin toilet paper na raw. ;) sosyal!
 
Post a Comment



<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?