Wednesday, May 16, 2007
anong balita ngayon
Okay, sinipag ako ngayon magsulat dito. Dahil bakasyon na at wala akong magawa, eto ako ngayon at nag-u-update ng blog. Ano nga bang mga nangyari mula sa last post ko? Wala naman, after spring balik ulit sa school. Usual stuff- assignements, projects at exams.
Nanood kami ni Zyra ng concert ng isang band nung April 12. Mag-u-update sana ako tungkol dun pero sinumpong na naman ako ng katamaran. I-po-post ko sana ngayon yung mga pics na kinuha ko nung concert gamit ang blackberry ko pero, nanakaw sya 10 days ago!!! Di ko pa sya na-do-download sa laptop ko at nandun pa naman lahat ng telephone numbers ng contacts ko! Ako pa naman ang taong hindi nagba-back-up ng mga bagay. At oo, uso rin dito ang nakawan ng cellphone pero hindi naman kasing lala sa Manila. Napilitan tuloy akong bumili ng bagong cellphone. Blackberry ulit ang kinuha ko pero white naman. Pag nawala ulit to, cheap na cellphone na lang kukunin ko dahil wala na akong pera!
Ngayon ay summer vacation na kaya maraming free time. Ano nga bang plano ko? Plano ko sanang pumasok sa isang internship kaso nga lang, walang tumaggap sa kin. Malas! Mag-su-summer class sana ako dahil wala naman akong nakuhang internship, na-cancel ang class na kukunin ko. Malas ulit! Ano nang gagawin ko? Uuwi na nga lang ako sa Hawaii at magpapaka-bum. Malas talaga! Dahil ba ito sa nakabasag ako ng salamin?
Flight ko sana pauwi sa Hawaii ay early June para dun ako mag-birthday pero nakabili na si Zyra ng concert tickets for Goo Goo Dolls and Lifehouse sa June 19. Sayang naman yung pera ni Zy kung hindi ako makakasama so pinostpone ko yung flight ko til June 20. Maganda sana kung early June kasi mura pa ang pamasahe, kapag late June ang flight mas mahal. Si Zy kasi eh!
Eto yung video na kinuha ni Zy nung concert:
ETA: Yung banda ay Augustana at yung kanta nila ay Boston.
Eleksyon nga pala dyan sa Pinas ah. Sana naman ay may mga kwenta ang mga nanalong pulitiko! Di ako bumuto kasi di naman ako registered eh! hahaha! Kayo na lang bumoto para sa kin.